December 29, 2009 | Filed under Random Ramblings | 83 views
I just had a scary experience. I was about to sleep kani-kanina lang. Paghiga ko sa kama, I was holding my cellphone para magbasa ng message. Nang biglang may dumagan sa’kin. I saw in my peripheral vision na tumalon sya ng dumagan sakin. Nakadapa akong nakahiga at hawak ang phone na bukas kaya I saw the shadows in front of me.
At ang masama, hindi ako makagalaw and I’m having a hard time breathing. I tried to move pero ayaw talaga. Iba ang feeling, sobrang lamig (hanggang ngayon, lamig pa rin sa likod ko). Hindi ko alam kung mabigat sya kaya hindi ako makahinga or nabigla ako.
Dahil hindi ako makahinga, the only thing na naisip ko eh magdasal. Pinilit ko magsign of the cross pero pinipigilan ako. Maya-maya bigla my binulong sa’kin na naramdaman ko ng palapit sa tenga ko. Halos sabay ung pagbulong nya at pagtapos ng sign of the cross ko and I said help, bigla ako nakagalaw papalabas ng room ko. Ang narinig ko lang bago ko nakatayo eh malakas na sigaw.
I don’t know bakit ngayon ko naexperience to. Parang he’s trying to tell me something pero bigla ako naka kawala. Pero kung ano man yun, wag nya ng sabihin. Sa iba na lng please.
Hindi ako naniniwala sa mga spiritu pero ngayon na na-experience ko, may multo nga! Meron talaga! Nakakakilabot! Hindi ako makatulog ngayon kaya ni-blog ko na lang. Antay ko na mag-umaga. 
Tags: Personal